Mga account at serbisyo
Mag-sign in sa iyong mga account sa online na serbisyo mula sa iyong device upang
magkaroon ng mabilisang access nasaan ka man. Halimbawa, maaari mong isama
ang mga contact mula sa iyong Google™ account sa iyong Mga Contact, upang nasa
iisang lugar ang lahat. Maaari kang mag-sign up sa mga bagong online na serbisyo
mula sa iyong device gayundin mula sa isang computer.
Google™ account
Ang pagkakaroon ng Google™ account ay napakahalaga sa paggamit ng iba't ibang
application at serbisyo sa iyong Android™ device. Halimbawa, kailangan mo ng
Google™ account upang magamit ang Gmail™ application sa iyong device, upang
makipag-chat sa mga kaibigan gamit ang Hangouts™, at upang ma-synchronize sa
iyong Google Calendar™ ang application na kalendaryo ng iyong device. Kailangan
mo rin ng Google™ account upang makapag-download ng mga application at laro,
musika, mga pelikula at aklat mula sa Google Play™.
Microsoft
®
Exchange ActiveSync
®
account
I-synchronize ang iyong deivce sa iyong pangkumpanyang Microsoft
®
Exchange
ActiveSync
®
account. Sa ganitong paraan, maitagago mo ang iyong email sa trabaho,
mga contact at event sa calendar sa iyo sa lahat ng panahon.
Facebook™ account
Ang Facebook™ ay isang serbisyo ng social networking na ikinokonekta ka sa iyong
mga kaibigan, pamilya at mga kasamahan sa buong mundo. I-set up ang Facebook
upang gumana sa iyong device upang manatili kang nakikipag-ugnay saanman.
12
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.