Sony Xperia SP - Android™‎ – ano at bakit?

background image

Android™ – ano at bakit?

Gumagana ang iyong Xperia™ mula sa Sony sa platform na Android™. Magagawa ng

mga Android™ device ang maraming parehong function tulad ng sa isang computer at

maaari mong i-customize ang mga ito sa iyong sariling mga pangangailangan.

Halimbawa, maaari kang magdagdag at magtanggal ng mga application, o

magpahusay ng mga umiiral na application upang mapabuti ang functionality. Sa

Google Play™, makakapag-download ka ng isang hanay ng mga application at laro

mula sa isang patuloy na lumalagong koleksyon. Maaari ka ring maglagay ng mga

application sa iyong Android™ device sa ibang application at sa mga online na

serbisyong ginagamit mo. Halimbawa, maaari mong i-back up ang iyong mga contact,

i-access ang iyong iba't ibang email account at mga kalendaryo mula sa isang lugar,

subaybayan ang iyong mga appointment, at gumamit ng social networking.
Patuloy na nagbabago ang mga Android™ device. Kapag available ang bagong

bersyon ng software at sinusuportahan ng iyong device ang bagong software na ito,

maaari mong i-update ang iyong device upang makakuha ng mga bagong feature at

mga pinakabagong pagpapahusay.

Pre-loaded ang iyong Android™ device ng mga serbisyo ng Google™. Upang masulit ang

mga ibinibigay na serbisyo ng Google™, dapat kang magkaroon ng Google™ account at

mag-sign in dito kapag una mong binuksan ang iyong device. Kailangan mo ring magkaroon

ng Internet access upang magamit ang maraming feature sa Android™.

Maaaring hindi tugma sa lahat ng device ang mga bagong release ng software.

7

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.