Phonepad
Pareho ang Phonepad sa karaniwang 12-key na keypad ng telepono. Binibigyan ka
ng mapanghulang teksto at multi-tap na input na pagpipilian. Maaari mong isaaktibo
ang paraan ng pag-input ng teksto ng Phonepad sa pamamagitan ng mga setting ng
keyboard. Available ang Phonepad sa patayong oryentasyon.
1 Pumili ng opsyon sa pag-input ng teksto. Maaari mong tapikin ang bawat karakter nang isang beses at
gumamit ng mga mungkahing salita, o magpatuloy sa pagtapik sa key hanggang sa mapili ang nais na
karakter.
2 Magtanggal ng character bago ang cursor.
3 Magpasok ng carriage return o kumpirmahin ang pag-input ng teskto.
4 Magpasok ng espasyo.
5 Ipakita ang mga simbolo at smiley.
6 Ipakita ang mga numero.
7 Palitan ang character case at i-on ang caps lock.
Upang buksan ang Phonepad sa unang pagkakataon
1
Tumapik ng text entry field, pagkatapos ay tapikin ang .
2
Tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang Mga setting ng keyboard.
3
Tapikin ang Hitsura ng keyboard > Layout ng keyboard.
4
Piliin ang Phonepad.
Upang magpasok ng teksto gamit ang Phonepad
•
Kapag lumabas ang sa Phonepad, tapikin ang bawat character key nang
isang beses lang, kahit na ang titik na gusto mo ay hindi ang unang titik sa key.
Tapikin ang salitang lalabas o tapikin ang
upang tingnan ang higit pang mga
mungkahi ng salita at pumili ng salita mula sa listahan.
•
Kapag lumabas ang sa Phonepad, tapikin ang nasa screen na key para sa
character na gusto mong ipasok. Tapikin nang tapikin ang button na ito
hanggang sa mapili ang gustong character. Pagkatapos ay gawin din ito para
sa susunod na character na gusto mong ipasok, at higit pa.
Upang magpasok ng mga numero gamit ang Phonepad
•
Kapag ipinakita ang Phonepad, tapikin ang . Lalabas ang isang Phonepad na
may mga numero.
Upang magpasok ng mga simbolo at smiley gamit ang Phonepad
1
Kapag ipinakita ang Phonepad, tapikin ang
. Lilitaw ang isang grid na may
mga simbolo at smiley.
2
Mag-scroll pataas o pababa upang tumingin ng higit pang mga opsyon. Tapikin
ang isang simbolo o smiley upang piliin ito.