Sony Xperia SP - Pagkontrol sa paggamit ng data

background image

Pagkontrol sa paggamit ng data

Maaari mong subaybayan ang dami ng data na inililipat sa at mula sa iyong device sa

iyong koneksyon ng data sa mobile o Wi-Fi® sa isang ibinigay na panahon.

Halimbawa, maaari mong tingnan ang dami ng data na ginagamit ng mga indibidwal

na application. Para sa data na inilipat sa iyong koneksyon ng data sa mobile, maaari

ka ring magtakda ng mga babala at limitasyon sa paggamit ng data upang makaiwas

sa mga karagdagang pagsingil.

Maaari kang matulungan ng pag-adjust sa mga setting ng paggamit ng data na magkaroon ng

higit na kontrol sa paggamit ng data, ngunit hindi nito magagarantiya ang pagpigil sa mga

karagdagang pagsingil.

Upang i-on o isara ang trapiko ng data

1

I-drag ang status bar pababa, pagkatapos ay tapikin ang .

2

Tapikin ang Paggamit ng data.

3

I-drag ang slider sa tabi ng Trapiko ng mobile data upang i-on o isara ang

trapiko ng data.

Kapag nakasara ang trapiko ng data, maaari pa ring magtaguyod ng koneksyon sa Wi-Fi® at

Bluetooth® ang iyong device.

Upang mag-set ng babala sa paggamit ng data

1

Siguraduhing naka-on ang trapiko ng data.

2

I-drag ang status bar pababa, pagkatapos ay tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang Paggamit ng data.

4

Upang i-set ang antas ng babala, i-drag ang linya ng babala patungo sa

gustong value. Makakatanggap ka ng babalang notification kapag malapit nang

maabot ng bigat ng trapiko ng data ang antas na na-set mo.

Upang mag-set ng limitasyon sa paggamit ng data

1

Siguraduhing naka-on ang trapiko ng data.

2

I-drag ang status bar pababa, pagkatapos ay tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang Paggamit ng data.

4

Markahan ang checkbox na Itakda limitasyon ng mobile data kung hindi ito

namarkahan, pagkatapos ay tapikin ang OK.

5

Upang i-set ang limitasyon sa paggamit ng data, i-drag ang nauugnay na linya

patungo sa ninanais na value.

Sa sandaling maabot ng paggamit mo ng data ang na-set na limitasyon, awtomatikong isasara

ang trapiko ng data sa iyong device.

Para kontrolin ang paggamit ng data ng mga indibidwal na application

1

I-drag ang status bar pababa, pagkatapos ay tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang Paggamit ng data.

3

Hanapin at tapikin ang gustong application.

4

Markahan ang Paghigpitan ang background data na checkbox.

5

Upang mag-access ng mga mas tukoy na setting para sa application (kung

available), tapikin ang Tingnan ang mga setting ng app at gawin ang mga

ninanais na pagbabago.

Maaaring maapektuhan ang pagganap ng mga indibidwal na application kung babaguhin mo

ang mga kaugnay na setting ng paggamit ng data.

Upang tingnan ang data na nailipat sa pamamagitan ng Wi-Fi®

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang Mga Setting > Paggamit ng data.

3

Tapikin ang , pagkatapos ay markahan ang checkbox na Ipakita paggamit ng

Wi-Fi

kung wala itong marka.

4

Tapikin ang tab na Wi-Fi.

36

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.