Pag-edit sa teksto
Maaari kang pumili, mag-cut, kumopya at mag-paste ng teksto habang nagsusulat ka
sa parehong nakatayo at pahigang oryentasyon sa pamamagitan ng pagtapik nang
dalawang beses sa ipinasok na teksto. Sa nakatayong oryentasyon, available ang
mga kinakailangang tool sa pag-edit sa pamamagitan ng isang application bar. Sa
pahigang oryentasyon, ibinibigay ng I-edit na pindutan ang parehong mga tool.
Application bar
1
Isara ang application bar
2
Piliin ang lahat ng teksto
3
I-cut ang teksto
4
Kopyahin ang teksto
5
I-paste ang teksto
Lumalabas lang ang kapag mayroon kang tekstong naka-save sa clipboard.
Upang pumili ng teksto
1
Magpasok ng ilang teksto, pagkatapos ay tapikin ang teksto nang dalawang
beses. Ang salitang iyong tinatapik ay naha-highlight ayon sa mga tab sa
parehong mga gilid.
2
I-drag ang mga tab pakaliwa o pakanan upang pumili ng higit pang teksto.
Upang mag-edit ng teksto sa naka-portrait na oryentasyon
1
Magpasok ng ilang teksto, pagkatapos ay tapikin ang ipinasok na teksto nang
dalawang beses upang palitawin ang application bar.
2
Piliin ang tekstong nais mong i-edit, pagkatapos ay gamitin ang application bar
upang gawin ang gusto mong mga pagbabago.
Upang mag-edit ng teksto sa naka-landscape na oryentasyon
1
Magpasok ng ilang teksto, pagkatapos ay tapikin ang ipinasok na teksto nang
dalawang beses.
2
Piliin ang tekstong nais mong gamitin, pagkatapos ay tapikin ang I-edit... at
pumili ng opsyon.
29
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.