Sony Xperia SP - Mga setting ng Internet at pagmemensahe

background image

Mga setting ng Internet at pagmemensahe

Para i-access ang Internet at para magpadala ng mga multimedia message, dapat na

mayroon kang koneksyon ng data sa mobile at ng tamang mga setting, na kilala rin

bilang mga settin gng APN (Access Point Name). Kinikilala ng APN ang network kung

saan maaaring kumonekta ang isang mobile device.
Karaniwang mada-download mo ang mga setting ng Internet at pagmemensahe sa

unang pagkakataong i-set up mo ang iyong device na may nakapasok na SIM card.

Sa ibang mga pagkakataon, maaaring paunang naka-install ang mga setting. Kung

hindi, maaari mong manu-manong i-donwload o idagdag ang mga setting. Makipag-

34

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

ugnay sa iyong network operator para sa detalyadong impormasyon tungkol sa

Internet at mga setting ng pagmemensahe.

Kung hindi mo ma-access ang Internet, walang koneksyon ng data, o hindi makapagpadala o

makatanggap ng mga multimedia message, subukang tanggalin ang lahat ng setting ng

Internet at pagmemensahe at pagkatapos ay idagdag muli ang mga iyon.

Upang mag-download ng mga setting ng Internet at pagmensahe

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang Mga Setting > Xperia™ > Pag-download ng setting.

3

Tapikin ang Tanggapin.

Upang i-reset ang mga default na setting sa Internet

1

I-drag ang status bar pababa, pagkatapos ay tapikin ang .

2

Tapikin ang Higit pa... > Mga mobile network.

3

Tapikin ang Mga Access Point Name, pagkatapos ay tapikin ang .

4

Tapikin ang I-reset sa default.

Mga Access Point Name (Mga APN)

Ginagamit ang APN upang magtatag ng mga koneksyon ng data sa pagitan ng iyong

device at ng Internet. Isinasaad ng APN kung aling uri ng IP address ang gagamitin,

aling mga paraan ng seguridad ang hihilingin, at aling mga koneksyon na hindi

nalilipat ang dulo ang gagamitin. Kapaki-pakinabang ang pagsusuri sa APN kapag

hindi mo ma-access ang Internet, walang koneksyon ng data, o hindi makapagpadala

o makatanggap ng mga multimedia message.

Upang tingnan ang kasalukuyang APN

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at i-tap ang Mga Setting > Higit pa... > Mga mobile network.

3

Tapikin ang Mga Access Point Name.

Kung mayroon kang ilang available na koneksyon, isinasaad ang aktibong network connection

sa pamamagitan ng minarkahang pindutan.

Upang manu-manong magdagdag ng mga setting sa Internet

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang Mga Setting > Higit pa... > Mga mobile network.

3

Tapikin ang Mga Access Point Name > .

4

Tapikin ang Pangalan at ipasok ang pangalan ng profile ng network na nais

mong likhain.

5

Tapikin ang APN at ipasok ang access point name.

6

Ipasok ang lahat ng iba pang impormasyong kailangan ng iyong network

operator.

7

Kapag tapos ka na, tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang Mag-save.

Impormasyon sa paggamit

Para sa kalidad, nangongolekta ang Sony Mobile ng mga hindi kilalang ulat ng bug at

istatistika patungkol sa iyong device. Hindi naglalaman ng personal na data ang

nakolektang impormasyon.

Upang payagan ang pagpapadala ng impormasyon sa paggamit

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang Mga Setting > Xperia™ > Mga setting ng impo ng

paggamit

.

3

Markahan ang checkbox na Padala impo ng pagamit kung hindi pa ito

namarkahan.

4

Tapikin ang OK.

35

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.