Pag-download ng mga application mula sa Google Play™
Ang Google Play™ ay ang opisyal na online na store ng Google para sa pag-
download ng mga application, laro, musika, pelikula at aklat. Kinabibilangan ito ng
parehong libre at binabayarang mga application. Bago mo simulang mag-download
mula sa Google Play™, tiyaking mayroon kang gumaganang koneksyon sa Internet,
mas mainam sa Wi-Fi
®
upang limitahan ang mga singil sa trapiko ng data.
Upang magamit ang Google Play™, kailangan mong magkaroon ng Google™ account.
Maaaring hindi available sa lahat ng bansa o rehiyon ang Google Play™.
Upang mag-download ng application mula sa Google Play™
1
Mula sa Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang Play Store.
3
Hanapin ang item na gusto mong i-download sa pamamagita ng pag-browse ng
mga kategorya, o sa pamamagitan ng paggamit sa function na paghahanap.
4
I-tap ang item upang tingnan ang mga detalye nito, at sundin ang mga tagubilin
upang kumpletuhin ang pag-install.
Maaaring kailangan ng ilang application na mag-access ng data, mga setting at iba't ibang
mga function sa iyong device upang gumana nang ayos. Mag-install at magbigay lang ng mga
pahintulot sa mga application na pinagkakatiwalaan mo.
Maaari mong tingnan ang mga pahintulot na ibinigay sa isang na-download na application sa
pamamagitan ng pagtapik sa application sa ilalim ng Mga Setting > Apps.