Home screen ng WALKMAN
Binibigyan ka ng home screen ng WALKMAN ng pangkalahatang-tanaw sa lahat ng
kanta sa iyong device pati na rin ang mga kantang available sa Music Unlimited. Mula
dito, maaari mong pamahalaan ang iyong mga album at playlist, gumawa ng mga
shortcut, at isaayos ang iyong musika ayon sa mood at tempo gamit ang mga channel
ng SensMe™.
1
Mga chart na hatid ng Music Unlimited
2
Mga bagong release na hatid ng Music Unlimited
61
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
3
Mga itinatampok na playlist na hatid ng Music Unlimited
4
I-browse ang iyong musika ayon sa artist
5
I-browse ang iyong musika ayon sa kanta
6
I-browse ang iyong musika ayon sa album
7
I-browse ang lahat ng playlist
8
Mangolekta ng mga link sa musika at kaugnay na nilalaman na ibinahagi mo at
ng iyong mga kaibigan gamit ang mga online na serbisyo
9
Pamahalaan at i-edit ang iyong musika gamit ang mga channel ng Music
Unlimited
10
Buksan ang "WALKMAN" music player
Hindi available sa bawat market ang Sony Entertainment Network kasama ang Video Unlimited
at Music Unlimited. Kinakailangan ng hiwalay na subscription. Nalalapat ang mga
karagdagang tuntunin at kundisyon.
Upang ipakita ang home screen ng WALKMAN
1
Mula sa Home screen, tapikin ang > .
2
Kung hindi ipinapakita ang home screen ng WALKMAN, tapikin ang .
Upang magdagdag ng shortcut sa isang kanta
1
Mula sa home screen ng WALKMAN, mag-browse sa kanta kung saan mo
gustong gumawa ng shortcut.
2
I-touch nang matagal ang pamagat ng kanta.
3
Tapikin ang Idagdag bilang shortcut. Lalabas na ngayon ang shortcut sa home
screen ng WALKMAN.
Hindi ka makakapagdagdag ng mga shortcut sa mga kanta mula sa Music Unlimited.
Upang muling ayusin ang mga shortcut
•
Mula sa home screen ng WALKMAN, i-touch at tagalan ang shortcut hanggang
sa lumaki ito at mag-vibrate ang iyong device, pagkatapos ay i-drag ang item
papunta sa bagong lokasyon.
Upang magtanggal ng shortcut
•
Mula sa home screen ng WALKMAN, i-touch nang matagal ang shortcut
hanggang sa lumaki ito at mag-vibrate ang device, pagkatapos ay i-drag ang
item patungo sa .
Makakapagtanggal ka lang ng mga shortcut na ginawa mo mismo.
Maaari ka ring mag-drag ng mga default na shortcut patungo sa ngunit natatago lang ang
mga ito, hindi natatanggal.
Upang i-update ang iyong musika sa pinakabagong impormasyon
1
Mula sa home screen ng WALKMAN, tapikin ang .
2
Tapikin ang I-download ang impo ng musika > Simulan. Maghahanap ang
iyong device sa online at ida-download ang pinakabagong available na album
art at impormasyon ng kanta para sa iyong musika.
Nasasaaktibo ang application ng mga channel ng SensMe™ kapag nagda-download ka ng
impormasyon ng musika.
Upang paganahin ang application na Mga channel ng SensMe™
•
Mula sa home screen ng WALKMAN, tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang I-
download ang impo ng musika
> Simulan.
Kinakailangan ng application na ito ng koneksyon sa mobile o Wi-Fi® network.
62
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang magtanggal ng kanta
1
Buksan ang home screen ng WALKMAN, pagkatapos ay mag-browse sa
kantang gusto mong tanggalin.
2
I-touch nang matagal ang pamagat ng kanta, pagkatapos ay tapikin ang Alisin.
Makakapagtanggal ka rin ng mga album sa ganitong paraan.