Paggamit ng GPS
May GPS (Global Positioning System) receiver ang iyong device na gumagamit ng
mga signal ng satellite upang kalkulahin ang iyong lokasyon. Sinusuportahan din ng
iyong device ang GLONASS (Global Navigation Satellite System). Maaaring
matulungan at mapalitan ng parehong system ang isa't isa, kung kinakailangan,
upang matiyak ang katumpakan ng pagpoposisyon at mahusay na karanasan sa
navigation. Kapag pinagana mo ang GPS, awtomatiko ring mapapagana ang
GLONASS system.
Kapag gumamit ka ng mga feature na nangangailangan ng GPS at GLONASS receiver upang
makita ang iyong lokasyon, tiyaking may malinaw kang view sa langit.
Upang paganahin GPS
1
I-drag ang status bar pababa, pagkatapos ay tapikin ang .
2
Tapikin ang Mga serbisyo ng Lokasyon.
3
I-drag ang slider sa tabi ng Access sa lokasyon ko patungo sa kanan.
4
Tapikin ang Sumang-ayon upang kumpirmahin.
Kapag pinagana mo ang GPS, awtomatikong mapapagana ang GLONASS system.
Pagkuha ng pinakamainam na pagganap
Sa unang pagkakataon na gamitin mo ang GPS, maaaring tumagal ito ng 5 hanggang
10 minuto bago mahanap ang iyong lokasyon. Upang matulungan ang paghahanap,
siguraduhing may malinaw na tanaw ka ng langit. Tumayong matatag at huwag
110
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
takpag ang GPS antenna (ang naka-higlight na lugar sa imahe). Maaaring tumagos
ang GPS signal sa mga ulap at plastic, ngunit hindi sa karamihan ng mga solidong
bagay gaya ng mga gusali at bundok. Kung hindi mahanap ang iyong lokasyon
pagkaraan ng ilang minuto, lumipat sa isa pang lokasyon.