Smart Connect
Gamitin ang application na Smart Connect upang itakda kung ano ang nangyayari sa
iyong device kapag ikinonekta o idiniskonekta mo ang isang aksesorya. Maaari mo
ring gamitin ang Smart Connect upang magtakda ng isang partikular na pagkilos o
grupo ng mga pagkilos na malulunsad sa iyong device sa ilang tukoy na oras ng araw.
Halimbawa, kapag ikinonekta mo ang iyong headset, maaari kang gumawa ng
kaganapan upang mailunsad ang mga sumusunod na pagkilos sa iyong device:
•
Sa pagitan ng 7am at 9am, kapag bumibiyahe ka patungo sa trabaho, magsisimula
ang application na "WALKMAN," at bubuksan ng web browser ang pahayagan. Naka-
set na mag-vibrate ang volume ng pag-ring.
105
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
•
Sa pag-uwi mula sa trabaho, magsisimula ang FM radio, at magbubukas ang app ng
mga note na magpapakita sa iyong listahan ng bibilhin.
Upang simulan ang application na Smart Connect
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang .
Upang gumawa ng kaganapan sa Smart Connect
1
Simulan ang application na Smart Connection. Kung binubuksan mo ang Smart
Connect sa unang pagkakataon, tapikin ang OK upang isara ang panimulang
screen.
2
Sa tab na Mga Kaganapan, tapikin ang .
3
Pangalanan ang kaganapan, at pagkatapos ay tapikin ang Lumikha.
4
Sa ilalim ng Kailan, magdagdag ng aksesorya o agwat ng panahon, o pareho.
5
Sa ilalim ng Gawin ito, idagdag kung anong gusto mong mangyari sa iyong
device.
6
Sa ilalim ng Sa katapusan, idagdag kung anong gusto mong mangyari kapag
idiniskonekta mo ang aksesorya o kapag lumipas na ang agwat ng panahon.
Kung na-set na ang dalawang kundisyong ito, magsisimula ang mga pagkilos
kapag idiniskonekta mo ang aksesorya, o kapag lumipas na ang agwat ng
panahon.
7
Upang i-save ang kaganapan, pindutin ang .
Upang magdagdag ng Bluetooth® na aksesorya, kailangan mo munang ipares ito sa iyong
device.
Upang mag-edit ng isang kaganapang Smart Connect
1
Simulan ang application na Smart Connection.
2
Sa tab na Mga Kaganapan, mag-tap ng kaganapan.
3
Kung naka-off ang kaganapan, i-drag ang slider papunta sa kanan.
4
I-adjust ang mga setting gaya ng nais.
Upang alisin ang isang kaganapan, i-tap ang row ng kaganapan, pagkatapos ay i-tap ang >
Tanggalin ang kaganapan at i-tap ang Tanggalin para kumpirmahin.
Pamamahala sa mga device
Gamitin ang application na Smart Connect upang pamahalaan ang isang hanay ng
mga smart accessory na gusto mong ikonekta sa iyong device, kasama ang
SmartTags, SmartWatch at Smart Wireless Headset pro mula sa Sony. Dina-
download ng Smart Connect ang anumang mga kinakailangang application at
naghahanap din ito ng mga third-party na application, kapag available. Lumalabas sa
isang listahan ang mga dating nakakonektang device na nagbibigay-daan sa iyong
kumuha ng higit pang impormasyon tungkol sa mga feature ng bawat device.
Upang magpares at magkonekta ng aksesorya
1
Simulan ang application na Smart Connection. Kung bubuksan mo ang Smart
Connect sa unang pagkakataon, tapikin ang OK upang isara ang screen ng
panimula.
2
Tapikin ang Mga Device, pagkatapos ay tapikin ang .
3
Tapikin ang OK upang simulang maghanap ng mga device.
4
Sa listahan ng resulta ng paghahanap, tapikin ang pangalan ng device na gusto
mong idagdag.
Upang i-adjust ang mga setting para sa isang nakakonektang aksesorya
1
Ipares at ikonekta ang aksesorya sa iyong device.
2
Simulan ang application na Smart Connection.
3
Tapikin ang Mga Device, pagkatapos ay tapikin ang pangalan ng
nakakonektang aksesorya.
4
I-adjust ang mga gustong setting.
106
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.