Pagkonekta sa iyong device sa isang TV set gamit ang cable
Ikonekta ang iyong device sa isang TV set at magsimulang tingnan ang nilalamang
naka-save sa iyong device sa mas malaking screen. Kapag ikinonekta mo ang iyong
device sa TV set, magbubukas ang application na TV launcher. Tinutulungan ka ng
application na ito na mag-play ng mga media file mula sa iyong device sa mga TV at
iba pang mga device.
Maaaring kailangan mong bumili ng hiwalay na MHL cable.
103
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang tingnan ang nilalaman mula sa iyong device sa isang TV na sumusuporta sa
MHL input
1
Ikonekta ang iyong device sa TV gamit ang isang kable ng MHL. sa status
bar ng iyong device matapos makapagtatag ng koneksyon.
2
Awtomatikong magsisimula ang application na TV launcher. Sundan ang mga
tagubili upang tingnan ang iyong mga media file sa TV.
Upang tumingin ng nilalaman mula sa iyong device sa isang TV na sumusuporta sa
input ng HDMI™
1
Ikonekta ang iyong device sa MHL adaptor, at ikonekta ang adaptor sa USB na
supply ng power.
2
Ikonekta ang adaptor sa TV gamit ang HDMI™ cable. ay lalabas sa status
bar ng iyong device pagkatapos magkaroon ng koneksyon.
3
Awtomatikong magsisimula ang application na TV launcher. Sundin ang mga
tagubilin upang matingnan ang iyong mga media file sa TV.
Upang tingnan ang tulong tungkol sa paggamit ng remote control ng TV
1
Habang nakakonekta ang iyong device sa TV set, i-drag ang status bar pababa
upang buksan ang panel ng Pagpapaalam.
2
Tapikin ang Nakakonekta ang MHL.
Maaari mo ring pindutin ang dilaw na button sa remote control ng TV upang buksan ang Panel
ng abiso.
Upang idiskonekta ang iyong device sa TV set
•
Idiskonekta ang MHL™ cable o ang MHL adaptor sa iyong device.