Sony Xperia SP - Pag-scan ng mga barcode gamit ang NeoReader™‎ application

background image

Pag-scan ng mga barcode gamit ang NeoReader™

application

Tungkol sa pag-scan gamit ang application na NeoReader™

Gamitin ang iyong device bilang barcode scanner upang malaman ang higit pa

tungkol sa mga item na ini-scan mo. Halimbawa, nakakita ka ng coat sa isang ad sa

magazine at gustong makita ang pinakamalapit na tindahan upang bilhin ito. Kung

naglalaman ang ad ng nababasang barcode, gagamitin ng application na

NeoReader™ ang code na ito upang i-access ang nilalaman sa web na pang-mobile,

gaya ng web page na may higit pang impormasyon ng produkto o mapa ng malalapit

na tindahan. Sinusuportahan ng NeoReader™ ang karamihan sa mga karaniwang uri

ng barcode.

Upang simulan ang NeoReader™ na aplikasyon

1

Mula sa Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang NeoReader™.

Upang mag-scan ng barcode

1

Kapag bukas ang application na NeoReader™, itapat ang device sa barcode

hanggang sa nakikita ang kumpletong barcode sa viewfinder.

2

Awtomatikong ii-scan ng device ang barcode, at magba-vibrate kapag nakilala

ang barcode.

Upang manu-manong magpasok ng barcode

1

Kapag bukas ang NeoReader™ application, tapikin ang .

2

Ilagay ang mga numero ng barcode sa field ng teksto, pagkatapos ay tapikin

ang GO!.

Pangkalahatang-ideya ng menu ng application na NeoReader™

Available ang lahat ng sumusunod na pagpipilian ng menu sa application na

NeoReader™:

Tapikin upang buksan ang higit pang mga opsyon

Manu-manong ipasok ang mga numero ng barcode. Magagamit ang opsyong ito kung

nagkakaproblema sa pagbabasa ng barcode ang iyong camera

Tingnan ang isang listahan ng dating na-scan na mga barcode

Tingnan ang impormasyon tungkol sa application na NeoReader™. Magbasa nang higit pa

tungkol sa iba't ibang mga uri ng barcode, at tungkol sa kung paano gamitin ang NeoReader™

Piliin ang iyong mga personal na setting, tulad ng wika o bansa. Ginagamit ang impormasyong ito

upang i-personalize ang nilalaman ng barcode. Gayundin, makakapili ka ng mga kagustuhan para

sa kung paano mo gagamitin ang application na NeoReader™

Magpadala ng text message upang mag-imbita ng kaibigan upang i-download ang application na

NeoReader™