Sony Xperia SP - Pag-mirror ng screen

background image

Pag-mirror ng screen

Gumamit ng Pag-mirror ng screen upang ipakita ang screen ng iyong device sa isang

TV o sa iba pang malaking display nang hindi gumagamit ng koneksyon sa kable. Ang

teknolohiya ng Wi-Fi Direct™ ay bumubuo ng wireless na koneksyon sa pagitan ng

dalawang device, kaya magagawa mong mag-relax at i-enjoy ang mga paborito mong

larawan habang nakaupo sa iyong sofa. Maaari mo ring gamitin ang feature na ito

upang makinig ng musika mula sa iyong device sa pamamagitan ng speakers ng TV.

Sinusuportahan dapat ng iyong TV ang pag-mirror ng screen batay sa Wi-Fi CERTIFIED

Miracast™ upang gumana ang functionality na inilalarawan sa itaas. Kung hindi

sinusuportahan ng iyong TV ang pag-mirror ng screen, kailangan mong bumili ng hiwalay na

wireless display adapter.

Kapag gumagamit ng pag-mirror ng screen, kung minsan, maaaring maapektuhan ang kalidad

ng imahe sa hindi magandang paraan kung may interference mula sa iba pang mga Wi-Fi®

network.

Upang i-mirror ang screen ng iyong device sa isang TV screen

1

TV

: Sundin ang mga tagubilin sa User guide para sa iyong TV upang i-on ang

pagganang pag-mirror ng screen.

2

Iyong device

: I-drag ang status bar pababa, pagkatapos ay tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang Pagkakakonekta ng Xperia™ > Pag-mirror ng screen.

4

Tapikin ang I-on ang pag-mirror ng screen at pumili ng device.

Kapag gumagamit ng pag-mirror ng screen, huwag takpan ang lugar ng antenna ng Wi-Fi ng

iyong device.

104

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.