Sony Xperia SP - Mga setting ng video camera

background image

Mga setting ng video camera

Para i-adjust ang mga setting ng video camera

1

Isaaktibo ang camera.

2

Tapikin ang isa sa mga icon ng mga setting sa screen.

3

Para ipakita ang lahat ng setting, tapikin ang .

4

Piliin ang setting na gusto mong i-adjust, pagkatapos ay gawin ang iyong mga

pagbabago.

Pangkalahatang-ideya sa mga setting ng video camera

Resolution ng video

Ayusin ang resolution ng video para sa iba't ibang format.

Full HD

1980×1080(16:9)

Full HD (Full High Definition) na format na may 16:9 na aspect ratio. 1980×1080 pixels.

HD

1280×720(16:9)

HD (High Definition) format na may 16:9 aspect ratio. 1280×720 pixels.

MMS

Magrekord ng mga video na naaangkop na ipadala bilang mga multimedia message. Ang oras ng

recording ng format ng video na ito ay limitado upang umakma sa isang multimedia message

Available lang ang setting na ito sa Manu-mano na mode sa pagkuha.

Self-timer

Gamit ang self-timer, maaari kang magrekord ng video nang hindi hahawakan ang

device. Gamitin ito upang magrekord ng mga panggrupong video kung saan

makakasama sa video ang lahat. Magagamit mo rin ang self-timer upang maiwasan

ang pag-alog ng camera kapag nagrerekord ng mga video.

Naka-on (10 segundo)

Magtakda ng 10-segundong pagkaantala simula sa pagtapik mo sa screen ng camera hanggang sa

magsimulang marekord ang video.

75

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Naka-on (2 segundo)

Magtakda ng 2-segundong pagkaantala simula sa pagtapik mo sa screen ng camera hanggang sa

magsimulang marekord ang video.

I-off

Agad na magsisimulang marekord ang video sa sandaling tatapikin mo ang screen ng camera.

Mode ng pag-focus

Kinokontrol ng setting ng focus kung aling bahagi ng video ang dapat na maging

sharp. Kapag naka-on ang continous autofocus, patuloy na nag-a-adjust ang focus ng

camera kaya ang lugar na nasa loob ng puting photo frame ay nananatiling matalas.

Isang autofocus

Awtomatikong nagfo-focus ang camera sa napiling paksa. Naka-on ang tuluy-tuloy na autofocus.

Deteksyon ng mukha

Awtomatikong nakikita ng camera ang hanggang sa limang mukha ng tao, na ipinapahiwatig ng mga

frame sa screen. Awtomatikong nagpo-focus ang kamera sa pinakamalapit na mukha. Maaari ka ring

pumili kung sa aling mukha magpo-focus sa pagtapik nito sa screen. Kapag tinapiko mo ang screen ng

camera, ipapakita ng isang dilaw na frame kung aling mukha ang nakapili at fino-focus. Hindi magagamit

ang deteksyon ng mukha para sa lahat ng mga uri ng eksena. Naka-on ang tuluy-tuloy na autofocus.

Pagsubaybay sa object

Kapag pinili mo ang isang bagay sa pamamagitan ng pag-touch dito sa viewfinder, susundan ito ng

camera para sa iyo.

Available lang ang setting na ito sa Manu-mano na mode sa pagkuha.

Metering

Awtomatikong tinutukoy ng pagganang ito ang mahusay na nabalanseng exposure sa

pamamagitan ng pagsukat sa dami ng liwanag na tumatama sa imaheng gusto mong

kunan.

Gitna

Ina-adjust ang exposure sa gitna ng imahe.

Katamtaman

Kinakalkula ang exposure batay sa dami ng ilaw na tumatama sa buong imahe.

Spot

Ina-adjust ang exposure sa napakaliit na bahagi ng imahe na gusto mong kunan.

Available lang ang setting na ito sa Manu-mano na mode sa pagkuha.

Mikropono

Pilin kung kukunin ang mga tunog sa paligid kapag nagre-record ng mga video.

Flash

Gamitin ang ilaw ng flash upang magrekord ng mga video kapag hindi mainam ang

mga kundisyon ng liwanag o kapag may backlight. Available lang sa screen ng video

camera ang icon ng flash ng video na . Tandaan na maaaring mas mainam minsan

ang kalidad ng video nang walang liwanag kahit na hindi mainam ang mga kundisyon

ng liwanag.

I-on

I-off

76

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.