Sony Xperia SP - Mga setting ng still na camera

background image

Mga setting ng still na camera

Upang i-adjust ang mga setting ng still camera

1

I-aktibo ang camera.

2

Upang ipakita ang lahat ng setting, tapikin ang .

3

Piliin ang setting na gusto mong i-adjust, pagkatapos ay mag-edit hangga't nais.

72

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Pangkalahatang-ideya ng mga setting ng still camera

Resolution

Pumili sa pagitan ng ilang mga laki ng litrato at mga aspect ratio bago kumuha ng

larawan. Ang isang larawang may mas mataas na resolution ay nangangailangan ng

mas malaking memorya.

3264×2448(4:3)

8 megapixel na laki ng larawan na may 4:3 na aspect ratio. Naaangkop para sa mga larawang gusto

mong tingnan sa mga hindi widescreen na display o i-print sa mataas na resolution.

3104×1746(16:9)

5 megapixel na laki ng larawan na may 16:9 na aspect ratio. Naaangkop para sa mga larawang gusto

mong tingnan sa mga hindi widescreen na display o i-print sa mataas na resolution.

1632×1224(4:3)

2 megapixel na laki ng larawan na may 4:3 na aspect ratio. Naaangkop sa mga larawang gusto mong

tingnan sa mga hindi widescreen na display.

1920×1080(16:9)

2 megapixel na laki ng larawan na may 16:9 na aspect ratio. Naaangkop sa mga larawang gusto mong

tingnan sa mga widescreen na display.

Self-timer

Gamit ang self-timer, maaari kang kumuha ng larawan nang hindi hahawakan ang

device. Gamitin ang pagganang ito upang kumuha ng mga self-portrait, o

panggrupong larawan kung saan maaaring nasa larawan ang lahat. Magagamit mo rin

ang self-timer upang maiwasan ang pag-alog ng camera kapag kumukuha ng mga

larawan.

Naka-on (10 segundo)

Magtakda ng 10-segundong pagkaantala simula sa pagtapik mo sa screen ng camera hanggang sa

makuha ang larawan.

Naka-on (2 segundo)

Magtakda ng 2-segundong pagkaantala simula sa pagtapik mo sa screen ng camera hanggang sa

makuha ang larawan.

I-off

Agad na makukuha ang larawan sa sandaling tatapikin mo ang screen ng camera.

Smile Shutter™

Gamitin ang function na Smile Shutter™ bago kumuha ng larawan upang matukoy

kung sa anong uri ng ngiti gagana ang camera.

Mode ng pag-focus

Kinokontrol ng focus function kung aling parte ng larawan ang dapat na matalas.

Kapag naka-on ang tuluy-tuloy na autofocus, patuloy na ina-adjust ng camera ang

focus para manatiling sharp ang lugar na nasa loob ng dilaw na frame ng focus.

Isang autofocus

Awtomatikong nagpo-focus ang camera sa piniling paksa. Naka-on ang continous autofocus. I-touch at

tagalan ang screen ng camera hanggang sa maging asul ang dilaw na frame ng focus, na nagsasaad na

naka-set na ang focus. Kukuha ng larawan kapag iniangat mo ang iyong daliri.

Maraming autofocus

Awtomatikong naka-set ang focus sa maraming bahagi ng imahe. I-touch at tagalan ang screen ng

camera hanggang sa maging asul ang dilaw na frame ng focus, na nagsasaad na naka-set na ang focus.

Kukuha ng larawan kapag iniangat mo ang iyong daliri. Naka-off ang patuloy na autofocus.

Deteksyon ng mukha

Awtomatikong nakikita ng camera ang hanggang sa limang mukha ng tao, na ipinapahiwatig ng mga

frame sa screen. Awtomatikong nagpo-focus ang kamera sa pinakamalapit na mukha. Maaari ka ring

pumili kung sa aling mukha magpo-focus sa pagtapik nito sa screen. Kapag tinapik mo ang screen ng

camera, ipapakita ng asul na frame kung aling mukha ang napili at naka-focus. Hindi magagamit ang face

detection para sa lahat ng mga uri ng eksena. Naka-on ang continous autofocus.

Touch focus

73

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Hawakan ang isang tukoy na bahagi ng screen ng camera upang i-set ang bahaging ifo-focus. Naka-off

ang patuloy na autofocus. I-touch at tagalan ang screen ng camera hanggang sa maging asul ang dilaw

na frame ng focus, na nagsasaad na naka-set na ang focus. Kukuha ng larawan kapag iniangat mo ang

iyong daliri.

Available lang ang setting na ito sa Manu-mano na mode ng pagkuha.

ISO

Mababawasan mo ang paglabo ng imahe na sanhi ng mga madilim na kundisyon o

gumagalaw na paksa sa pamamagitan ng pagdaragdag sa sensitivity ng ISO.

Auto

Awtomatikong na-set ang sensitivity ng ISO.

100

Na-set ang sensitivity ng ISO sa 100.

200

Na-set ang sensitivity ng ISO sa 200.

400

Na-set ang sensitivity ng ISO sa 400.

800

Na-set ang sensitivity ng ISO sa 800.

Available lang ang setting na ito sa Manu-mano na mode ng pagkuha.

Metering

Awtomatikong tinutukoy ng pagganang ito ang mahusay na nabalanseng exposure sa

pamamagitan ng pagsukat sa dami ng liwanag na tumatama sa imaheng gusto mong

kunan.

Gitna

Ina-adjust ang exposure sa gitna ng imahe.

Katamtaman

Kinakalkula ang exposure batay sa dami ng ilaw na tumatama sa buong imahe.

Spot

Ina-adjust ang exposure sa napakaliit na bahagi ng imahe na gusto mong kunan.

Available lang ang setting na ito sa Manu-mano na mode sa pagkuha.

Image stabilizer

Kapag kumukuha ng larawan, maaaring mahirap hawakan ang device nang

nakapirmi. Tumutulong sa iyo ang stabilizer sa pamamagitan ng pag-compensate

para sa mga kaunting paggalaw ng kamay.

Available lang ang setting na ito sa Manu-mano na mode sa pagkuha.

Preview

Maaari mong piliing i-preview ang mga larawan o video pagkatapos mong kunan ang

mga iyon.

Walang limitasyon

Lalabas ang preview ng larawan o video pagkatapos mo itong makunan.

5 segundo

Lalabas ang preview ng larawan o video ng 5 segundo pagkatapos mo itong makunan.

3 segundo

Lalabas ang preview ng larawan o video ng 3 segundo pagkatapos mo itong makunan.

I-edit

Magbubukas ang larawan o video para sa pag-edit pagkatapos mo itong makunan.

74

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

I-off

Mase-save ang larawan o video pagkatapos mo itong makunan, at walang lalabas na preview.

Flash

Gamitin ang flash upang kumuha ng mga larawan kapag hindi maganda ang mga

kundisyon ng ilaw o kapag mayroong backlight. Available ang mga sumusunod na

opsyon kapag tinapiko mo ang icon ng flash sa screen ng camera:

Auto

Awtomatikong tinutukoy ng camera kung ang mga kalagayan ng liwanag ay nangangailangang

gumamit ng flash.

Fill flash

Gamitin ang setting na ito kapag mas maliwanag ang background kaysa sa subject. Tinatanggal nito

ang mga hindi kanais-nais na madilim na anino.

Pambawas ng red-eye

Binabawasan ang mapulang kulay ng mata kapag kumukuha ng larawan.

I-off

Nakasara ang flash. Minsan ang kalidad ng larawan ay maaaring mas maganda na walang flash,

kahit na madilim. Ang pagkuha ng larawan na hindi gumagamit ng flash ay nangangailangan ng

hindi gumagalaw na kamay. Gamitin ang self-timer upang iwasan ang malalabong larawan.

Torch

I-o-on ang torch o ilaw ng camera kapag kumuha ka ng mga larawan.